Life is a highway.

November 21st, 2008

“ego diligo vos joanne” - meus frendo

Posted by joanne027 in College Life, random  Tagged , ,

Yeah. Friday is the FR-day. Evaluation of my “students”
Hopefully, they will pass the exam. :)
*transition*transition*transition*

i arrived at my campus past 7 am. fortunately, i was just in time for my first subject: MATH.
oh well. we were asked, “Why do you hate/not hate math?”
Grabe. Ayan na naman iyang tanong na iyan. Naalala ko tuloy fun memories ko with Math.

First time kong na-encounter yung Math nung mga 4 years old ako. Pumapasok ako araw-araw sa isang Day Care Center na nilalakad lang namin ng Nanay o Tatay ko tuwing umaga. Naaalala ko pa yung routine ng klase namin.

Alas Diyes ang pasok namin. Syempre, magdadatingan ang mga bata kasama ang kanya-kanyang sundo. Kadalasan si Mommy. Minsan si Daddy, Ate, Kuya, Yaya, Kapitbahay. Sila yung may bitbit ng back pack ng alaga nila at may bimpo sa isang balikat.

Tapos, sasabihin ng teacher ko, “Okay. Kids, we will start our class. Say goodbye to your parents.”

Pagkatapos sabihin ng teacher ko ito, magsisimula ng umiyak at humagulgol ang ibang bata. Parang teleserye lang.

(PAUNAWA: Hindi ako kasali sa mga iyaking bata.)

Tapos, kapag nasa loob na ang lahat, magdadasal at kakanta ng I’m a Little Tea Pot. Tapos Chikading. Tapos yung isa pang kanta na nakalimutan ko na yung title. Eto yung lyrics:

Saging Saging
Saging Saging
Papaya
Papaya
Saging at Banana
Saging at Banana
Fruit Salad
Fruit Salad

Hindi ko alam kung fruit salad ang title niyan. Kawawa naman yung kakain ng fruit salad na papaya, saging at banana lang yung ingredients.

Pagkatapos kumanta, papaupuin na kami at magsisimula na siyang magturo. Ipapalabas niya yung crayola, lapis at drawing pad namin. Payabangan pa noon. Hindi ka in kapag hindi bakal ang pencil case mo. Poor ka kapag 8 colors lang yung pangkulay mo. At wala kang ipagyayabang kapag nakalimutan mong ipagawa sa Nanay/Tatay mo yung assignment ninyo.

Palagi lang kaming nagbibilang noon. Bibilangin mo yung mga shapes sa loob ng kahon.

Yun yung unang pagsasalubong namin ng landas ng Math.

*transition*transition*transition*

Maaga kaming pinalabas kaya naglibot muna kami. Ngayong araw, si Jess lang ang kasama kong kumain ng lunch.

At dahil madami pang oras, nagawa na naming magpalitan ng talambuhay.

*transition*transition*transition*

Math na naman. Pero ok lang. Masaya naman ang Math 73 kay Ma’am Wenky. :)
*transition*transition*transition*

Biyernes. Ayoko munang umuwi. Naglaro muna kami ng basketball. Tapos napagod kami kaya bumuli kami ng maraming mineral water.

Habang nagpapahinga kami, nainip kami kaya naglaro kami ng Truth or “Konsinkwens”

Kapag truth, ang tanong, “Who is your crush?”

Kapag “konsinkwens”, ang ipapagawa sa iyo: Isigaw ang pangalan ng crush mo.

Fair enough?

*transition*transition*transition*

and I heard him say those words…

*transition*transition*transition*

simula umaga, kinakabahan ako. wala naman akong problema. bakit kaya?

_YourSweetestDownfall :)